17 C
Baguio City
Friday, September 20, 2024
spot_img

DSWD Region 1, namahagi ng Relief Goods sa Dagupan

Namahagi ng relief goods ang DSWD Region 1 sa Barangay Lasip Chico, Dagupan City, kahapon ng ika-27 ng Hulyo 2024 para sa mga residenteng apektado ng kalamidad.

Ang nasabing pamamahagi ng relief goods ay naglalayong matulungan ang mga kabaleyan na nangangailangan ng agarang suporta.

Kabilang sa mga ipinamigay ay mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, delata, noodles, at iba pang pagkain at vitamins na pampalakas ng immune system, at doxycycline para sa leptospirosis.

Kasama sa operasyon sina Barangay Captain Aldex Meneses, Konsehal Siapno, SK Chairman Venice Ang, PNP Dagupan, BFP Dagupan, at CDRRMO.

Ang tulong na ito ay patunay ng bayanihan at malasakit para sa mga kababayan.

Ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor at ahensya ng gobyerno ay patunay ng malasakit at bayanihan para sa kapakanan ng ating mga kababayan. Sa patuloy na pagdating ng tulong, inaasahang muling makababangon ang mga apektadong residente ng Dagupan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles