Sumuko ang isang supporter ng New People’s Army (NPA) sa himpilan ng Diplahan Municipal Police Station at 1st Zamboanga Sibugay Provincial Mobile Force Company sa Sitio Saca-on Purok Rose, Barangay Guinoman, Zamboanga Sibugay nito lamang Hulyo 18, 2024.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Jane”, 45 taong gulang, supporter ng NPA sa ilalim ng Regional Urban Committee, Western Mindanao Regional Party Committee (WMRPC).
Nagsilbi rin si “Jane” bilang isang courier, look out at caretaker ng grupo.
Ang pagbabalik-loob ng supporter ng NPA ay indikasyon na humihina ang komunistang grupo at maraming miyembro nito ang magbabalik-loob upang magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.