16.8 C
Baguio City
Saturday, November 16, 2024
spot_img

NPA sa Baryo, sumuko sa pamahalaan

Boluntaryong sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army sa Baryo sa mga otoridad sa Company Headquarters, 1502nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 15, Babalaan, Tadian, Mountain Province nito lamang ika-14 ng Hulyo 2024.

Kinilala ang sumuko bilang si alyas “Balanti”, Non-PSRTG, 59 anyos, miyembro ng NPA sa Barrio sa ilalim ng nabuwag na Kilusang Larangang Guerilya (KLG) Ifugao at kalaunan nasa ilalim ng nabuwag ding KLG Ampis.

Ayon kay alyas “Balanti”, narekrut siya noong 2012 at nagsilbi bilang contact person sa Gumhang, Tinoc, Ifugao bago naging miyembro ng NPA sa Barrio sa ilalim ng Nona del Rosario Command (NDRC) hanggang sa paglipat niya sa Komiteng Larangang Guerilla Ampis noong 2018.

Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitira pang grupo ng NPA na magbalik-loob at magsimulang muli kasama ang kanilang pamilya.

Panulat ni Mamerta

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles