15.2 C
Baguio City
Sunday, November 17, 2024
spot_img

Ceremonial Turnover ng Risk Resiliency Program ng DSWD, isinagawa sa Bataan

Matagumpay na isinagawa ang Ceremonial Turnover ng Risk Resiliency Program ng DSWD Filed Office 3 matapos makumpleto ang tatlong parte ng implementasyon ng Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) ng mga benepisyaryo mula sa munisipyo ng Pilar at Bagac, Bataan nito lamang ika-12 ng Hulyo 2024.

Nasa 800 na benepisyaryo ang lumahok sa 20-day Cash-for-Training at Cash-for-Work na kung saan sumailalim sa komprehensibong pagsasanay na sumasaklaw sa pagbawas ng panganib sa sakuna, pagbagay sa pagbabago ng klima, at mga praktikal na kasanayan para sa pag-ani ng tubig, paghahalaman, vermicomposting, at hydroponics.

Mahalaga ang proyektong ito sa paglaban sa pagbabago ng klima at nagbibigay ito ng sustainable na mapagkukunan ng pagkain, habang ang sistema ng pag-ani ng tubig ay tumutulong na mabawasan ang tagtuyot at kakulangan sa tubig.

Prayoridad ng pamahalaan ang paghahatid ng serbisyo upang lahat ay mabigyan ng pantay-pantay na karapatan at matugunan ang kanilang pangangailangan sa lahat ng aspeto.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles