21.1 C
Baguio City
Monday, November 18, 2024
spot_img

Tulong pinansyal handog ng City Government Unit ng Tarlac

Handog ng City Government Unit ng Tarlac ang tulong pinansyal para sa gastusing pangmedikal ng mga residente sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation Payout sa Kaisa Convention Hall, Tarlac City nito lamang ika-2 ng Hulyo 2024.

Pinangunahan ito ni Mayor Cristy Angeles sa tulong ng Department of Social Welfare and Development at ni Senator Joel Villanueva kasama ang iba pang opisyal mula sa mga nasabing bayan.

Nakatanggap ng Php3,000 tulong pinansyal mula sa DSWD ang 665 benepisyaryo para pangsuporta sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan at para sa pangmedikasyon.

Ang pagpapatupad ng mga ganitong programa ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa ating mamamayan tungo sa mas progresibong lipunan.

Patuloy ang pamahalaan ng Tarlac sa paghahatid ng serbisyo sa kanilang nasasakupan upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa lahat ng aspeto.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles