17 C
Baguio City
Monday, November 18, 2024
spot_img

NPA sa Barrio member, sumuko sa pamahalaan

Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barrio sa mga awtoridad sa La Trinidad, Benguet nito lamang ika-1 ng Hulyo 2024.

Kinilala ang rebelde na si alyas “Boboy”, 44 anyos, may-asawa, construction worker at magsasaka, residente ng Sallapadan, Abra at miyembro ng Milisya ng Bayan/NPA sa Baryo sa ilalim ng Weakened Kilusang Larangang Gerilya (WKLG).

Kasabay ng kanyang pagsuko at pagbawi sa suporta sa grupo ng NPA, ay ang kanyang pagsuko ng kanyang mga armas na isang kalibre 38 na walang serial number at may anim na bala, tatlong piraso ng inert blasting cap, at dalawang stick dynamite (commercial).

Patuloy ang panawagan ng pamahalaan na magbalik-loob ang iba pang miyembro ng NPA upang muling mamuhay ng payapa at nang makapagsimula muli kasama ang buong pamilya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles