15.9 C
Baguio City
Monday, November 18, 2024
spot_img

Contact Person ng NPA, sumuko sa Baguio City

Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army sa mga awtoridad sa Barangay Irisan, Baguio City nito lamang ika-1 ng Hulyo 2024.

Ang sumuko ay isang 57-anyos na lalaki na miyembro ng Kilusang Larangang Gerilya – Ifugao at Kilusang Larangang Gerilya “Ampis” noong 2018.

Kasabay ng kanyang pagbabalik-loob ay ang kanyang pagsuko sa kanyang armas na isang caliber 45, ilang live ammunitions, at isang fragmentary hand grenade.

Ayon sa salaysay ng sumuko, siya ay nanilbihan bilang contact person ng mga rebelde sa Gumhang, Tinoc, Ifugao at nag-operate din sa Ifugao, Mountain Province at Baguio City hanggang nito lamang Hunyo taong kasalukuyan.

Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan sa lahat ng natitirang miyembro ng NPA na magbalik-loob at magsimulang muli sa piling ng kanilang pamilya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles