Patuloy ang pagsagawa ng makabuluhang programang People’s Day ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac nito lamang Lunes, ika-1 ng Hulyo 2024.
Ang programa ay pinamunuan ni Hon. Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City.
Labis na ikinatuwa ng mga Tarlakenyo dahil nabigyan ng libreng medikal, pinansyal, legal at iba pang sakop ng nasabing programa.
Layunin ng programang ito na mapabuti ang pamumuhay at kalagayan ng bawat mamamayang Tarlakenyo.