Bumagsak ang malalaking tipak ng bato sa Lamut-Kiangan-Lagawe National Road sa Ulo, Hucab, Kiangan, Ifugao nito lamang umaga ng Hunyo 20, 2024.
Ayon sa paunang report, walang naiulat na natamaan sa biglaang pagbagsak ng mga tipak ng bato mula sa itaas ng bundok sa tapat ng national road.
Agad namang nagtulong-tulong ang mga kawani ng Kiangan Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa isinagawang clearing operations at traffic control sa nasabing lugar.
Samantala, bandang 9:00 ng umaga ay idineklarang cleared at passable sa anumang uri ng sasakyan subalit pinag-iingat ang mga motorista na dumadaan sa nasabing kalsada sa posibleng pagbagsak ng mga bato dulot ng madalas na pag-ulan ng malakas.