Nagbalik-loob ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Barangay San Juan, San Jose City, Nueva Ecija nito lamang ika-17 ng Hunyo 2024.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Ella” na miyembro ng Underground Movement Organization – Liga ng Manggagawang Bukid (LMB).
Kasabay ng pagbabalik-loob ni “Ka Ella” ay ang pagsuko ng mga kagamitan tulad ng isang pirasong kalibre .38 revolver na walang serial number ( Homemade) na may kasamang isang pirasong bala.
Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na magbalik-loob at mamuhay ng payapa kasama ang kanilang pamilya.