24.4 C
Baguio City
Saturday, November 16, 2024
spot_img

Loose Firearm isinuko sa Luna, Apayao

Boluntaryong isinuko ng isang indibidwal ang isang loose firearm sa mga otoridad sa Luna, Apayao nito lamang ika-15 ng Hunyo 2024.

Batay sa ulat, ang isinukong loose firearm sa tanggapan ng 1st Apayao Provincial Mobile Force Company ay isang homemade caliber 22 revolver na walang bala at walang serial number.

Ang pagsuko ay resulta ng mas pinaigting na PNP’s Intensified Campaign against Loose Firearm sa pamamagitan ng barangay visitation at information dissemination ng pulisya na may layunin na makalap at mahanap ang lahat ng loose firearms para maiwasan na magamit ito sa krimen at mapanatili ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan sa bawat komunidad.

Patuloy pa rin ang panawagan ng PNP sa mga mamamayan na isuko ang mga baril na walang kaukulang dokumentasyon para maiwasan na magkaroon ng kaso.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles