Walang takas ang isang sugatang miyembro ng Weakened KLG Baggas sa mga awtoridad sa Sitio Saleng, Barangay Balantoy, Balbalan, Kalinga nito lamang ika- 6 ng Hunyo 2024.
Batay sa ulat, ang operasyon ay naging matagumpay dahil sa pinagsamang puwersa ng 503rd Infantry Brigade, 103rd Infantry (Mabalasik) Battalion, kasama ang Balbalan PNP.
Nahuli ang nasabing miyembro matapos siyang iwan ng kanyang mga kasamahan ilang araw matapos ang dalawang engkwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno at mga miyembro ng Weakened KLG Baggas ng ICRC sa walang taong lugar ng Sitio Danga, Barangay Balantoy, Balbalan, Kalinga.
Ang nahuling miyembro ng Communist Terrorist Group ay inihatid ng mga nasabing tropa sa pinakamalapit na ospital para sa pagpapagamot at haharap sa kasong kriminal ng tangkang pagpatay at frustrated murder na may inihaing Warrant of Arrest.
Ang militar at pulisya, kasama ang Kalinga PTF-ELCAC, ay patuloy na nananawagan sa natitirang mga miyembro ng CTG na magbalik-loob sa pamahalaan.