Patuloy ang malasakit at pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga sa mga kababayang naapektuhan ng nagdaang bagyo at pag-ulan, kung saan namahagi ng relief goods sa Bayan ng San Simon nito lamang Huwebes, Agosto 7, 2025.
Personal na pinangunahan ni Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, at iba pang opisyal ng lalawigan, ang pamamahagi ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Umabot sa 2,364 residente mula sa Barangay Concepcion at San Pedro ang nakatanggap ng family food packs bilang bahagi ng tuloy-tuloy na ayuda sa mga apektadong pamilya.
Samantala, 300 residente mula sa Barangay Lapaz Turu, Arayat ang nabigyan din ng ayuda mula sa DSWD at Kapitolyo sa tulong nina 3rd District Board Member Lucky Labung at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Officer Fe Manarang.
Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga, mananatiling tuloy-tuloy ang relief operations upang matiyak na walang kababayan ang maiiwan at patuloy na mararamdaman ang presensya at malasakit ng lokal na pamahalaan sa panahon ng pangangailangan.






