25.3 C
Baguio City
Wednesday, May 20, 2026
spot_img

Teacher’s Day Celebration ng Dep-Ed CAR, ipinagdiwang sa Igorot Stone Kingdom

Ipinagdiwang ng Department of Education–Cordillera Administrative Region (DepEd-CAR) ang 2025 Regional Teachers’ Day Celebration sa pamamagitan ng isang Serenity Walk na ginanap sa Igorot Stone Kingdom, Tam-awan Village, Baguio City noong Oktubre 10, 2025.

Pinangunahan ni May Claire Jimenez, Project Development Officer IV ng Education Support Services Division (ESSD), ang naturang aktibidad na layuning makatulong sa mga guro na makapagpahinga, magnilay, at muling maibalik ang sigla bago sila bumalik sa kanilang mga paaralan at komunidad.

Sa isinagawang closing program, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang mga kinatawan mula sa walong Schools Division Offices (SDOs) ng rehiyon sa DepEd-CAR sa matagumpay na tatlong araw na pagdiriwang na inihandog bilang pagkilala sa dedikasyon at habambuhay na paglilingkod ng mga guro.

Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Florence Balictan, Officer-in-Charge ng Quality Assurance Division, ang kahalagahan ng paglalakbay ng isang guro mula sa simula ng kanilang serbisyo hanggang sa pagreretiro.

Aniya, “Ang pag-akyat ay mahaba at mahirap, ngunit sulit ito,” bilang paalala sa mga guro na pahalagahan ang kanilang mga pinaghirapan at ipagmalaki ang kanilang ambag sa edukasyon.

Ang Serenity Walk ang nagsilbing makabuluhang pagtatapos ng pagdiriwang, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagninilay, pasasalamat, at pagbabagong-loob sa hanay ng mga gurong Cordilleran.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,800FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles