25.3 C
Baguio City
Wednesday, May 20, 2026
spot_img

Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora, naghatid ng libreng Medical, Dental at Wellness Service sa mga empleyado

Naghatid ang Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora ng malasakit at pag-aalaga nito sa mga kawani ng kapitolyo sa pamamagitan ng libreng medical at dental check-up na isinagawa bilang bahagi ng Family Day Celebration noong Oktubre 8, 2025, sa Capitol Grounds, Baler, Aurora.

Sa aktibidad, tinanggap ng mga empleyado ang iba’t ibang serbisyong pangkalusugan gaya ng libreng gamot, PhilHealth membership assistance, dental check- up at libreng salamin sa mata para sa mga kwalipikadong kawani.

Layunin nitong matiyak na ang bawat lingkod-bayan ay may maayos na kalusugan upang makapaglingkod nang buong sigla sa mamamayan ng Aurora.

Pinangunahan ang aktibidad ng Provincial Health Office (PHO), Provincial Human Resource Management Office (PHRMO), at Aurora Provincial Government Employees Association (APGEA) na nagsanib-puwersa para maisakatuparan ang makabuluhang programa para sa mga empleyado.

Samantala, ipinagpatuloy nito lamang Oktubre 9, 2025, ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Wellness Services na nagbigay ng libreng masahe, gupit, manicure, at pedicure—isang paraan upang mapawi ang pagod at mapanatili ang sigla ng mga kawani.

Sa pangunguna ni Governor Sid Galban, patuloy ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapatupad ng mga programang nagbibigay-halaga sa kalusugan at kapakanan ng mga empleyado.

Isa itong patunay ng isang administrasyong may malasakit at tunay na nagmamahal sa mga lingkod-bayan ng Aurora.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,800FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles