17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

2025 Regional Science and Technology Week, ipinagdiwang sa Nueva Viscaya

Binuksan ng Department of Science and Technology Region 02 (DOST-R02) ang 2025 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTW) nitong Huwebes, Oktubre 9, 2025 sa Nueva Vizcaya State University (NVSU), Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang aktibidad ay may temang “Agham, Teknolohiya, at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, at Panatag na Kinabukasan – Building Smart and Sustainable Communities”.

Itinampon sa aktibidad ang mga makabagong teknolohiya, produkto, at pananaliksik sa pamamagitan ng technology fairs, startup showcases, research exhibits, at forums na layuning palawakin ang kaalaman ng publiko sa agham at inobasyon.

Pinatunayan ng pagtitipon ang matibay na ugnayan ng pamahalaan, akademya, at pribadong sektor sa pagtugon sa mga isyung tulad ng climate change, food security, at digital transformation para sa pag-unlad ng rehiyon.

Magpapatuloy ang 2025 RSTW hanggang Oktubre 11, 2025, bilang pagpapatunay ng DOST Region 02 sa adbokasiyang “Science for the People” tungo sa isang matatag, maginhawa, at panatag na Bagong Pilipinas.

Source: Cagayan PIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles