17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Search, Rescue and Retrieval, patuloy pa ring isinasagawa sa Chico River

Patuloy pa rin ang isinasagawang Search, Rescue and Retrieval (SRR) operation ng pinagsanib na pwersa ng iba’t ibang ahensya para sa dalawa pang biktima ng vehicular accident, parehong taga-Pangasinan, na kasama ng tatlong naunang nahanap na nahulog sa Chico River sa may Gawa, Tocucan, Bontoc ngayong alas-sais ng umaga, Oktubre 27, 2025.

Ang mga biktima ay pawang mga construction workers na papunta sa Sadanga, Mountain Province kung nasaan ang kanilang project site.

Magkakalahating araw na pero patuloy pa rin ang mga tauhan ng Mountain Province Provincial DRRM Office, Municipal DRRM Offices ng Bontoc at Sadanga, Bureau of Fire Protection- Mountain Province, Phillippine National Police, Barangay Officials ng Tocucan, Bontoc, at Citizen Armed Forces Geographical Unit sa paghahanap sa mga nawawalang biktima.

Ayon sa mga SRR teams, naging hamon sa kanila ang medyo masukal na daan pababa sa lugar na pinaghihinalaang crash site na aabot ng tatlumpung minuto, isama pa ang malakas na agos ng tubig sa ilog.

Sa kabila ng mga hamon, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga SRR teams, at nakikipagtulungan na rin sa Provincial DRRM Office of Kalinga at Municipal DRRM Office of Tinglayan, Kalinga sakaling natangay ng malakas na agos ang mga bangkay ng dalawa at umabot sa karatig-bayan.

Source: Mountain Province DRRM Office at Bontoc MDRRMO FB Pages

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles