17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

Relief Operations para sa mga buntis, at libreng serbisyong pangkalusugan sa Dagupan, Pangasinan

Patuloy ang ginagawang relief operations sa iba’t ibang barangay ng Dagupan, kabilang ang Barangay Bonuan Binloc, kung saan nakatanggap ng tulong ang mga buntis mula sa lokal na pamahalaan ng Dagupan City. Bukod sa relief packs at bigas, ipinamahagi rin sa kanila ang mga banig (sleeping mats) para sa dagdag na kaginhawaan.

Ayon sa mga opisyal, magpapatuloy ang pamamahagi ng relief assistance sa iba pang barangay bilang bahagi ng nagpapatuloy na bayanihan upang matulungan ang mas maraming pamilya. Kasama sa nasabing aktibidad ang Bonuan Binloc Barangay Council sa pangunguna ni Kap. Wilmer Castanares, katuwang sina Konsehal Lino Fernandez at Konsehal Jaja Cayabyab.

Hindi dito nagtatapos ang serbisyo dahil nakatakda ring ilunsad ang iba’t ibang programang pangkalusugan para matiyak na mananatiling malusog at ligtas sa sakit ang mga Dagupeño. Kabilang sa mga ito ang libreng mammogram services sa City Health Office, medical check-up, pamamahagi ng gamot, at iba’t ibang laboratory services.

Source: Mayor Belen T. Fernandez

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles