17.7 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

OCD-CAR Rescuelympics 2025, pormal nang binuksan sa Benguet Sports Complex

Pormal nang binuksan ang OCD- CAR (Office of Civil Defense – Cordillera Administrative Region) Rescuelympics 2025 sa may temang, KUMIKILOS: “Kayang Umaksyon ng Mamamayan na Isabuhay ang Kahandaan ng Bawat Isa para Maging Ligtas sa Oras ng Sakuna”, sa Benguet Sports Complex, Wangal, La Trinidad, Benguet nito lamang ika-13 ng Agosto 2025.

Ang Rescuelympics ay isang serye ng mga paligsahan na naglalayong paigtingin ang kahandaan sa sakuna at ang agarang pagtugon sa emergency sa pamamagitan ng iba’t ibang simulated rescue scenarios, sinusubok nito ang kasanayan, pagtutulungan, at kahandaan ng mga emergency responder upang matiyak ang kanilang kahusayan sa pagtugon sa oras ng kalamidad. Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) 2025 sa Cordillera Administrative Region (CAR), ang Rescuelympics ay nagsisilbing regional contest na nakatuon sa pagsasanay at pagsusuri ng response capabilities ng mga kalahok mula sa iba’t ibang provincial at city Local Government Units (LGUs).

Tinatampok dito ang mga kompetisyon sa medical response, search and rescue (SRR) skills, fire suppression, at iba pang kasanayan na mahalaga sa pagtugon sa sakuna.

Layunin din ng aktibidad na tasahin ang antas ng kahandaan at kapasidad ng mga lokal na responder at makabuo ng mga rekomendasyon para sa patuloy na pagpapabuti ng SRR readiness sa rehiyon.

Ang aktibidad ay nagpapatibay sa kolektibong pangako ng sambayanang Pilipino tungo sa mas ligtas at matatag na bansa at ito ay sumasalamin sa isang masiglang whole-of-nation approach na nagbibigay-diin sa patuloy na pag-unlad, pagbabahagi ng responsibilidad, at matatag na pagtutulungan ng lahat ng sektor.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles