Isinagawa ang Plate Distribution Caravan: Oplan Palit Plaka (Motorcycle/Tricycle Only) ng Land Transportation Office sa Dinalupihan Civic Center, Dinalupihan, Bataan nito lamang Oktubre 5, 2025.
Pinangunahan ang caravan ng LTO Olongapo District Office sa pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan ng Dinalupihan sa pamumuno ni Mayor Tong Santos, katuwang si Konsehal Gary David, Chairman ng Committee on Transportation.



Ang naturang programa ay layuning maipamahagi sa mga may-ari ng motorsiklo at traysikel ang kanilang mga bagong plaka, partikular yaong mga may rehistrasyong mula taong 2014 hanggang 2017.
Ang aktibidad ay bahagi ng pambansang inisyatiba ng LTO upang mapabilis ang distribusyon ng mga naantalang plaka at matiyak na lahat ng sasakyan ay may tamang pagkakakilanlan sa kalsada.
Bukod dito, walang bayad ang pagpapalit ng plaka bilang serbisyo publiko ng ahensya.
Ang Oplan Palit Plaka Caravan ay inaasahang magpapatuloy upang maabot ang mas maraming motorista sa mga susunod na linggo, bilang bahagi ng adhikain ng LTO at LGU na tiyaking ligtas, legal, at maayos ang pagmamaneho sa buong Dinalupihan.




