Sinimulan na ng Provincial Government of Cagayan (PGC) ang pamamahagi ng insentibo para sa mga atletang nag-uwi ng medalya sa CAVRAA Meet 2025 na ginanap sa Santiago City. Unang nabigyan ang mga atleta mula sa District 3 ngayon araw ika 8 ng Agosto 2025, habang nakatakdang sumunod ang mga mula sa District 1 at 2.
Ayon kay Clarita Lunas, Provincial Consultant on Education, bahagi ito ng suporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga Cagayanong atleta sa pangunguna ni Edgar “Manong Egay” Aglipay Provincial Governor at Manuel Mamba Vice Governor.
Tumanggap ng Php10,000 ang mga individual gold medalists, Php7,000 sa silver, at Php5,000 sa bronze. Para naman sa team events, nakatanggap ng Php5,000 (gold), Php3,000 (silver), at Php2,000 (bronze). Namahagi rin ng insentibo ang Provincial Treasury Office sa pamumuno ni Mila Mallonga. Mula sa 2nd runner-up noong 2024, umangat sa 1st runner-up ang Cagayan Delegation ngayong taon matapos masungkit ang 82 gold, 79 silver, at 117 bronze medals.
Layon ng pamamahagi ng insentibo na kilalanin, pasalamatan, at higit pang hikayatin ang mga atletang Cagayano na magpatuloy sa pagbibigay karangalan sa lalawigan.
Source: CPIO




