17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

Panlalawigang Pamahalaan ng Cagayan, nagsagawa ng Bloodletting Activity

Matagumpay na nagsagawa ng bloodletting activity ang Panlalawigang Pamahalaan ng Cagayan sa pangunguna ng Provincial Health Office (PHO) katuwang ang Department of Health (DOH), Regional Blood Center gayon din ang pamunuan ng Robinson’s Mall Tuguegarao sa Robinson’s Place Tuguegarao, Tuguegarao City, Cagayan noong ika-19 ng Hunyo 2025.

Lumahok sa aktibidad ang mga kawani ng Provincial Government ng Cagayan, mga tauhan mula sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Army, at ang mga walk-in donor na boluntaryong nagbigay ng dugo.

Sa datos na ibinahagi ng PHO, 60 bags ng dugo lamang ang target ng kanilang opisina ngayong araw ngunit umabot ito ng 90 bags dahil sa dami ng gustong mag-donate ng kanilang dugo.

Mahigit 100 ang dumagsa para mag-donate ng dugo ngunit 22 ang hindi pumasa sa screening process ng nasabing opisina.

Ilan kasi sa mga dumalo ay may mataas na blood pressure, ang ilan ay may mataas o mababang hemoglobin count, nasa ilalim ng medikasyon, mayroong sakit gaya ng diabetes, at ang ilan naman ay lumagpas sa itinakdang age limit.

Ang aktibidad ay may temang “Aggao Nac Cagayan Dugoyanihan 2025, Ang Cagayanong Malusog, Dugtong-Buhay ang Handog”.

Layunin ng programa na mapanatili ang sapat na suplay ng dugo para sa mga nangangailangang pasyente sa lalawigan ng Cagayan.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles