17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

P1.78M na SSF, inilunsad ng DTI Para sa Coffee Processing sa Atok Benguet

Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang Shared Service Facility (SSF) para sa Pagproseso ng Kape para sa Caliking Farmers Multi-Purpose Cooperative (CFMPC) sa Km. 39, Abiang, Atok, Benguet noong Miyerkules, Hunyo 18, 2025.

Sa pondong P1.78 milyong piso, ang SSF ay may kasamang hhumidifier, weighing scale, grinder, roasting machine, sorting tables and screens, at pulper machine.

Sa tulong ng kagamitan na ito, inaasahang mapapabuti ng kooperatiba ang kalidad ng kanilang mga produkto ng kape at madagdagan ang kanilang kakayahang makipagkumpetensya sa merkado.

Ito ay bahagi ng pangako ng DTI sa proyekto ng convergensiya ng DTI-DAR-DOST sa pagproseso ng kape.

Nagpahayag ng pasasalamat si CFMPC chairperson Samson Calubsing para sa SSF habang binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan sa mga miyembro ng kooperatiba upang mapanatili ang operasyon ng pasilidad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles