17.2 C
Baguio City
Wednesday, June 24, 2026
spot_img

Bagong prutas at gulay section ng Guagua Market, pinasinayaan

Pinasinayaan ang bagong Vegetable at Fruit Section ng Guagua Public Market—isang hakbang patungo sa patuloy na pag-unlad ng bayan ng GuaGua, Pampanga nito lamang ika-19 ng Hunyo 2025.

Pinangunahan nina Senator Joel Villanueva, Pampanga Governor Dennis “Delta” Pineda, at Guagua Mayor Anthony Joseph Torres ang pagbubukas ng makabagong pasilidad na pinondohan sa tulong ni Senador Villanueva, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga.

Maaliwalas, malinis, at organisado ang bagong bahagi ng palengke na inaasahang magiging pangunahing destinasyon ng mga mamimili ng sariwang prutas at gulay sa Guagua.

Nagkaloob din ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng libreng food stands bilang dagdag suporta sa maliliit na negosyante.

Dumalo sa nasabing programa sina DOLE Region 3 Assistant Regional Director Alex Cruz at iba pang opisyal ng LGU Guagua bilang pakikiisa at patunay ng solidong suporta ng gobyerno sa lokal na sektor ng negosyo.

Layon ng proyektong ito na higit pang paunlarin ang kabuhayan ng bawat Guaguaeño sa pamamagitan ng maayos at modernong pamilihan. Patunay rin ito ng tunay na malasakit at pagkakaisa ng mga lider sa pagbibigay ng mas maginhawa at progresibong kinabukasan para sa lahat.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles