23.4 C
Baguio City
Thursday, June 25, 2026
spot_img

Magsasaka, Kaagapay: Aglipay tumugon sa Enrile Farmers

Isang makabuluhang araw para sa sektor ng agrikultura sa bayan ng Enrile, Cagayan ang ginanap noong ika-4 ng Agosto, 2025. Personal na nakipagpulong si Cagayan Governor Edgar “Manong Egay” Aglipay sa mahigit 1,000 magsasaka upang pakinggan ang kanilang mga hinaing at maghatid ng konkretong solusyon.

Bilang agarang tugon sa problema ng mababang presyo ng palay, nangako si Gob. Aglipay ng pondong ipagkakaloob sa Lokal na Pamahalaan ng Enrile upang direktang bilhin ang palay ng mga magsasaka. Layunin nito na mapigilan ang patuloy na pagkalugi ng mga nasa sektor ng pagsasaka at matiyak ang kanilang kabuhayan.

Bukod pa rito, iniabot ni Enrile Mayor Miguel Decena Jr. kay Gob. Aglipay ang isang project proposal na layong magtatag ng price support mechanism para sa palay at mais—isang pangmatagalang solusyong magbibigay ng patas at makatarungang presyo para sa mga ani ng mga magsasaka.

Sa darating na Agosto 11, 2025, muling babalik si Gob. Aglipay sa Enrile, kasama ang lahat ng alkalde ng lalawigan, upang makipagpulong kay National Irrigation Administration (NIA) Administrator Eddie Guillen. Sentro ng talakayan ang pagpapabuti ng irrigation system sa mga silangang barangay ng Enrile at iba pang bahagi ng Cagayan — isang hakbang na magpapalakas sa produksyon ng mga magsasaka.

Ang kanilang presensya ay patunay ng malasakit at suporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga tunay na bayani ng agrikultura.

Ang patuloy na pagkilos ni Gob. Aglipay para sa kapakanan ng mga magsasaka ay nagpapakita ng isang pamahalaang nakikinig, kumikilos, at tunay na nagmamalasakit.

Source: CPIO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles