Namahagi ang Department of Labor and Employment (DOLE)-Ifugao ng livelihood assistance sa 16 na benepisyaryo sa Public Park and Plaza, Lagawe, Ifugao noong Setyembre 13, 2025.
Ayon kay DOLE-Ifugao Provincial Head Dr. Isabelita Codamon, ang mga benepisyaryo ay dating miyembro ng DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na inirekomenda para sa karagdagang kabuhayan sa ilalim ng programang Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat para sa Lahat.


Bawat isa ay tumanggap ng kagamitan at materyales para sa vegetable gardening, corn at rice production, at snack vending na nagkakahalaga ng ₱30,000.00 sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) o Kabuhayan Program upang matulungan magkaroon ng mas matatag at maunlad na kabuhayan.




