Isinagawa ang isang makabuluhang pagpupulong o Man-ili Meeting ng mga Purok Leaders sa Sitio Bili, Barangay Amduntog, Asipulo noong Agosto 10, 2024.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga pangunahing opisyal mula sa Asipulo Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Lorna B. Butac, Acting Chief of Police kasama sina Police Major Myles S. Forayang, Force Commander ng 1st Ifugao Provincial Mobile Force Company, at si dating Konsehal na si Ms. Marcelyn Bonhaon.
Sa nasabing aktibidad, nagsagawa ng Information Drive hinggil sa mga paksang gender-based violence, illegal drugs awareness, at national emergency hotline 911.
Bukod pa rito, naghandog rin ng libreng gupit ang mga kapulisan para sa mga kabataan.
Ang aktibidad ay naglalayong higit na mapatatag ang ugnayan ng kapulisan at komunidad, mapalawak ang kaalaman ng mga residente sa mahahalagang isyung panlipunan, at maghatid ng mga serbisyong kapaki-pakinabang para sa lahat.






