Boluntaryong isinuko ng isang Barangay Kagawad ang isang loose firearm sa mga tauhan ng Kiangan Municipal Police Station sa Barangay Tuplac, Kiangan, Ifugao nito lamang ika-20 ng Setyembre 2025.
Batay sa ulat, ang baril ay boluntaryong isinuko sa kanya ng isang residente ng barangay na piniling hindi magpakilala, at ang nasabing baril ay isang Cal .38 revolver na walang serial number, walang anumang marka, at walang kasamang bala.
Ang pagsuko ng baril ay bunga ng patuloy at masigasig na kampanya ng Kiangan PNP laban sa mga ligaw o iligal na baril, bala, at pampasabog sa pamamagitan ng malawakang pagbibigay ng impormasyon at tuloy-tuloy na koordinasyon sa mga opisyal ng barangay sa kanilang nasasakupan.




