Agarang tumugon ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Vilma Balle-Caluag, sa mga pangangailangan ng mga residente na apektado ng pagbaha dulot ng Super Typhoon Nando at pinalakas pa ng Habagat sa Olivas, Barangay San Nicolas, City of San Fernando, Pampanga nito lamang ika-23 ng Setyembre, 2025.
Personal na nagtungo si Mayor Caluag, kasama ang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) upang mamahagi ng relief packs mula sa national government sa mahigit 300 pamilyang lubog sa baha.


Ipinag-utos din ng alkalde sa CDRRMC ang tuluy-tuloy na monitoring at pagbibigay ng agarang ayuda sa bawat komunidad na apektado, kasabay ng walang patid na pagbabantay sa lagay ng panahon upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng Fernandino.




