Matagumpay na idinaos ng Asipulo Municipal Agriculture Office ang ika-4 na Municipal Search for the Best Performing Rural-Based Organization (RBO) sa Antipolo, Asipulo, Ifugao noong ika -30 ng Agosto 2025.
Layunin ng taunang aktibidad na ito na hikayatin ang mga samahan ng magsasaka at kababaihan sa mas maayos na record-keeping, kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon sa lokal na agrikultura, at ihanda para sa nalalapit na Provincial Search.
Ipinakita ng mga kalahok ang kanilang sipag, dedikasyon, at inisyatibo para sa pagpapaunlad ng hanapbuhay at komunidad.
Sa pamamagitan ng kanilang pagkakaisa at inobasyon, naipamalas nila ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos tungo sa kaunlaran ng sektor ng agrikultura.
Ayon sa Asipulo Municipal Agriculture Office, ang tagumpay ng programa ay hindi magiging posible kung wala ang aktibong partisipasyon ng mga kalahok na organisasyon at suporta ng lokal na pamahalaan.
“Lubos kaming nagpapasalamat sa kanilang walang sawang kontribusyon na siyang nagsisilbing gulugod ng pag-unlad ng ating pamayanan,” ayon sa pahayag ng tanggapan.




