21.3 C
Baguio City
Tuesday, June 23, 2026
spot_img

Livelihood Program, isinagawa sa Bocaue, Bulacan

Nagsagawa ang Pamahalaang Barangay ng Taal Livelihood Program para sa mga kababaihan sa Brgy. Taal, Bocaue, Bulacan nito lamang Biyernes, ika-15 ng Agosto, 2025.

Pinangungunahan ito ni Hon. Jayson Hernandez, Punong Barangay katuwang ang mga Mother Leaders at opisyales ng naturang barangay.

Bahagi ng kanilang aktibidad ang paggawa ng Dishwashing Liquid at Fabric Conditioner na maituturing na kapakipakinabang sa pang-araw-araw na pangangailangan ng bawat pamilya at maaaring gawing dagdag na pagkakakitaan.

Layunin ng programa na magbigay ng dagdag kaalaman at kasanayan upang makapagtayo ng sariling kabuhayan na tiyak na makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Patunay lamang ito na ang pamahalaan ay handang tumulong at nakasuporta sa mga mamamayan para sa ikauunlad ng kanilang kabuhayan at maisulong ang mas maayos at maginhawang pamumuhay.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles