16.1 C
Baguio City
Monday, April 27, 2026
spot_img

Bontoc LGU, nagsagawa ng Walk for a Cause

Nagsagawa ng Walk for a Cause na nilahukan ng iba’t ibang ahensya, institusyon, at mamamayan ng Bontoc noong Setyembre 12, 2025.

Ang pagtitipon ay hindi lamang naging isang simpleng paglalakad, kundi isang patunay ng pagkakaisa at malasakit para sa kapwa. Sa kabila ng maagang oras, buong puso ang naging suporta ng mga lumahok—mula sa komunidad at mga katuwang na institusyon—bago ipinagpatuloy ang kani-kanilang pang-araw-araw na tungkulin.

Ang kanilang presensya at aktibong pakikiisa ang nagbigay ng tunay na diwa ng bayanihan at pagkakapatiran.

Ipinapaabot ng Pamahalaang Lokal ng Bontoc ang taos-pusong pasasalamat sa Mountain Province Philippine Red Cross, ROTC Criminology Interns at mga estudyante ng Mountain Province State University (MPSU), Philippine Army, mga tanggapan ng Provincial Local Government Unit (PLGU), at iba pang pambansang ahensya gaya ng Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Land Transportation Office (LTO), Department of the Interior and Local Government (DILG), Bureau of Internal Revenue (BIR), at National Irrigation Administration (NIA).

Lubos ding kinikilala ang Bontoc Fire Station (BFP), 1403rd CDC, 1403RRIBn Philippine Army Reserve Command, Treasurlink Cooperative, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), mga nakatatanda, at lahat ng indibidwal at organisasyong nakiisa at naghandog ng kanilang suporta para sa tagumpay ng programa.

Ang lahat ng nalikom mula sa walk for a cause ay nakalaan upang makatulong sa mga bedridden Persons with Disability (PWDs) ng Bontoc.

Sa pagkakaisa at sama-samang pagkilos, muling pinatunayan ng Bontoc ang tunay na kahulugan ng bayanihan—ang pagkilos na walang hinihintay na kapalit, kundi ang pag-angat ng bawat isa tungo sa mas makataong pamayanan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles