17.7 C
Baguio City
Wednesday, July 1, 2026
spot_img

Basic Carpentry at Nail Care Training, Handog sa mga miyembro ng ERPAT at KALIPI

Isang Basic Carpentry Repair at Basic Nail Care Training ang matagumpay na isinagawa noong Oktubre 17, 2025 sa Pavilion I, St. Vincent Ferrer Prayer Park, Bayambang, Pangasinan sa pangunguna ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan katuwang ang PESO-Bayambang at MSWDO-Bayambang.

Layunin ng pagsasanay na ito na mapalawak ang kasanayan ng 25 kalahok mula sa mga miyembro ng ERPAT at KALIPI, upang magkaroon sila ng dagdag na kaalaman at kakayahang magamit sa paghahanapbuhay o sa kanilang pang-araw-araw na kabuhayan.

Bilang tulong at inspirasyon, tumanggap din ang mga kalahok ng libreng nail care kits at carpentry tools mula sa PESO-Pangasinan, bilang suporta sa kanilang magiging praktikal na pagsasanay at pagnenegosyo.

Ipinahayag ni TESDA Provincial Director James F. Ferrer ang kanyang pagbati at pagpupugay sa mga kalahok sa kanilang aktibong pakikilahok sa programa. Aniya, ang ganitong uri ng pagsasanay ay patunay ng patuloy na adbokasiya ng pamahalaan sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga mamamayan tungo sa mas maunlad na pamumuhay.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng tuloy-tuloy na programa ng pamahalaan para sa skills development at livelihood empowerment ng mga sektor tulad ng ERPAT at KALIPI sa buong lalawigan.

Source: Balon Bayambang

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
25,900FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles