Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barrio sa mga otoridad sa Brgy. EKB, Kabugao, Apayao, nito lamang Oktubre 17, 2025.
Ang sumuko ay kinilala na si alyas na “Edgar” ay 40 anyos, may asawa, magsasaka, at residente ng nasabing barangay, kasapi ng NPA sa Barrio Member sa ilalim ng KRCV Komprob Cagayan.

Isinuko din nito ang isang Caliber .45 pistol na may serial number 952459, isang magazine, at limang bala.
Patuloy namang hinikayat ng PNP ang iba pang kasapi at tagasuporta ng mga rebeldeng grupo na magbalik-loob sa pamahalaan at makibahagi sa mga programang pangkapayapaan at pangkabuhayan na naglalayong maghatid ng panibagong simula para sa mga dating kasapi ng armadong kilusan.




