Matagumpay na isinagawa ang “KA TROPA” o Kalalakihang Tapat sa Responsibilidad at Obligasyon sa Pamilya Session sa St. Mary Magdalene Parish Hall, Poblacion South, Lagawe, Ifugao nito lamang ika-19 ng Hunyo, 2025.
Ang aktibidad ay isinagawa sa inisyatiba ng Ifugao Provincial Health Office katuwang ang Ifugao Police Provincial Office bilang suporta sa Responsible Parenthood at Family Planning Advocacy.
Lumahok sa nasabing aktibidad ang mga lalaking tauhan ng Ifugao PNP at iba pang kalalakihan mula sa komunidad bilang pagpupugay sa Araw ng mga Tatay kung saan nagsilbing tagapagsalita si Police Colonel Jeremias G Oyawon, Provincial Director ng Ifugao Police Provincial Office.
Layunin ng sesyon na pataasin ang kamalayan ng mga kalalakihan sa kahalagahan ng pagiging responsableng magulang, pakikibahagi ng mga responsibilidad ng pamilya, at kaalaman tungkol sa reproductive health.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng mga pagsusumikap na itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng kasarian, patatagin ang mga pagpapahalaga ng pamilya, at palakasin ang papel hindi lamang ng mga lalaking pulis kundi sa lahat ng mga kalalakihan bilang mga responsableng miyembro ng pamilya at mga modelo sa komunidad.





