Boluntaryong isinuko ng isang residente ang isang loose firearm sa mga tauhan ng Conner MPS sa Luna, Apayao noong ika-16 ng Abril 2024.
Ang nasabing armas ay isang (1) SAM/Thunderbolt Cal. 45 pistol, isang magasin, walang marka at bala.
Ayon sa tauhan ng Conner Municipal Police Station, ang baril ay boluntaryong isinuko ng isang indibidwal sa kanilang nasasakupan na mas piniling hindi magpakilala.
Ang armas ay nasa pangangalaga ng Conner Municipal Police Station para sa wastong disposisyon at dokumentasyon.
Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng patuloy na pagsasagawa ng kompanya kontra Loose Firearm at pampasabog pursuant to the provision of Republic Act 10591.