Nagbigay muli ng liwanag ang kapulisan ng San Clemente Municipal Police Station sa pamamagitan ng paglalagay ng streetlights sa kalsada ng Brgy. Nagsabaran, San Clemente Tarlac noong Pebrero ika-labing walo 18 taong kasalukuyan.
Ito ay sa pangunguna ni Plt Eric S Ribon, DCOP at sa ilalim ng pangangasiwa ni Pcpt Jeffrey R De Guzman, Officer In-charge katuwang ang mga miyembre ng Lingkod Bayan Advocacy Support Group ng San Clemente MPS.
Ang proyekto ay bahagi ng kanilang programa na “Nasipnget nga Dalan, Lawagan ti Kapulisan”
Ang nasabing proyekto ay makakatulong upang maiwasan ang mga aksidente sa nasabing lugar at kaligtasan ng mga motorista na dumadaan. Bukod pa dito nais ng kapulisan na pagtibayin ang ugnayan nito sa komunidad na kanilang nasasakupan.
Tunay na sa lahat ng oras o anuman ang inyong pangangailangan, kapulisan ay inyong maasahan.