Nagsagawa ng libreng medical mission kaugnay ng pagdiriwang ng People’s Day Program ang Lokal na Pamahalaan ng Tarlac katuwang ang iba pang pribadong sektor sa mga residente ng Tarlac City nito lamang Lunes, ika-19 ng Pebrero 2024.
Ito ay pinangunahan ni Hon. Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City katuwang ang Local Government Unit ng Tarlac at iba pang pribadong sektor ng lungsod.
Bukod sa libreng medical check-up ay namahagi rin ang grupo ng libreng mga gamot at bitamina na siyang naghatid ng labis na tuwa at galak sa mga benepisyaryo.
Ang naturang aktibidad ay bilang suporta sa programa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa usaping pangkalusugan na naglalayong pagbutihin ang pagiging abot-kamay sa mga serbisyong medikal para sa lahat ng mamamayan lalo na sa mga nasa malalayo at liblib na lugar.
Panulat ni Bal