Boluntaryong isinuko ng isang indibidwal ang isang homemade Cal. 45 na walang serial number, walang marka at walang bala sa mga opisyal ng Barangay Ableg, Pasil, Kalinga nito lamang Pebrero 13, 2024.
Ang nasabing baril ay nasa pangangalaga ng Pasil Municipal Police Station para sa wastong dokumentasyon bago iturn-over sa Kalinga Provincial Forensic Unit para sa tamang disposisyon.
Patuloy naman na hinihikayat ng kapulisan ang mga residente sa kanilang lugar na isuko na ang mga ilegal na armas bago pa ito magamit sa masama.
Ang inisyatibong ito ng kapulisan ay bilang pagsuporta sa isinusulong ng ating pangulo na Whole-of-the-Nation Approach kontra kriminalidad sa pamamagitan ng paglaban sa loose firearms para na rin sa kaligtasan at kapayapaan ng buong komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.