Sumuko ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa 1501st Manuever Company ng RMFB 15 Headquarters, Mt. Polis, Brgy. Viewpoint, Banaue, Ifugao nito lamang Nobyembre 14, 2023.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Bitnak”.
Napag-alaman na taong 1998 nang sya’y umanib sa teroristang grupo, naging messenger, runner at informant ng KLG-IFUGAO NDRC.
Patuloy ang panghihikayat ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na sumuko upang makapagbagong buhay kapiling ang kanilang pamilya.