Isang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Barangay Magsaysay, Castillejos, Zambales nito lamang Lunes ika-13 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Alan”.
Napag-alaman na isinuko rin nito ang isang homemade shotgun at isang bala ng 40mm M203 Grenade.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitira pang miyembro ng NPA na magbalik-loob upang magsimulang muli kapiling ang kanilang sariling pamilya. Tuldukan na ang karahasan at terorismo na hadlang sa pagkamit ng kapayaan sa ating bayan.