17 C
Baguio City
Thursday, October 24, 2024
spot_img

Financial Assistance at Nutri Bun Feeding Program pinangunahan ni Sen. Imee Marcos

Pinangunahan ni Senator Imee Marcos ang paghahatid ng serbisyo sa pamamagitan ng pamimigay ng financial assistance at nutri bun feeding program sa mga residente ng Victoria at Moncada, Tarlac nito lamang Sabado, ika-20 ng Mayo 2023.

Namigay ng financial assistance sa mga kwalipikadong indibidwal at nagkaroon ng nutri bun feeding program para naman sa mga kabataan.

Ang naturang pamimigay ng financial assistance ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Program na Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) na naglalayong matulungan ang mga indibidwal at pamilya mula sa hindi inaasahang krisis tulad ng pagkakasakit o pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya.

Labis naman ang pasasalamat ng mga naging benepisyaryo sa ibinigay na tulong mula sa ating pamahalaan.

Samantala, siniguro ng Tarlac PNP ang mahigpit at maayos na seguridad ng bawat dumalo at natapos ang aktibidad na mapayapa at walang naitalang gulo.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles