Pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office ang isinagawang Clean-up Drive at Tree Planting Activity sa Sitio Busok-Busok, Barangay Cozo, Casiguran, Aurora nito lamang Huwebes, ika-18 ng Mayo 2023.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Philippine Coast Guard, PNP, Municipal Civil Registrar at mga opisyal ng barangay.
Matagumpay na nalinis ang dalampasigan at tinanggal ang mga nakatambak na basura sa mga gilid ng kalsada.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac na patuloy sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran upang masiguro at maiwasan ang polusyon sa karagatan.