Boluntaryong isinuko ng isang indibidwal sa mga awtoridad ang isang loose firearm sa Luna, Apayao nito lamang ika-22 ng Abril 2023.
Batay sa ulat, isinuko ng isang residente ng nasabing lugar sa barangay official ng Luna, Apayao ang isang homemade 12 GA Shotgun na walang markings at bala.
Hindi na binanggit ang pagkakakilanlan ng may-ari para sa kanyang seguridad.
Ang nasabing pagsuko ay naglalayong suportahan ang kampanya laban sa paggamit ng ilegal na armas.
Samantala, nanawagan naman ang pulisya sa mamamayan na may baril na walang lisensya na isuko ang kanilang armas upang hindi magkaroon ng kaso.