Patuloy na isinasagawa ang Anti-Criminality Checkpoint ng mga awtoridad sa kahabaan ng Gapan City, Nueva Ecija nito lamang Biyernes, ika-21 ng Abril 2023.
Pinangunahan ng Gapan City Police Station ang pagpapanatili ng kaayusan sa pamamagitan ng Anti-Criminality Checkpoint sa kanilang nasasakupan at ini-inspeksyon nila ang mga pagkakakilanlan ng dumadaan na motorista at sasakyan upang matukoy at masiguro na sumusunod sa batas trapiko ang mga motorista.
Layunin ng naturang operasyon na mapanatili ang kaayusan at seguridad ng mga residente sa nasabing siyudad.