14.4 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Plastik Palit Bigas Project muling umarangkada sa Angeles City

Patuloy ang pag-arangkada ng Walang Plastikan-Plastik Bigas Project para sa mga residente ng Barangay Sapalibutad, Angeles City nito lamang Biyernes, ika-21 ng Abril 2023.

Ang proyektong ito ay inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles City kung saan kinokolekta ang mga recyclable plastik mula sa mga residente at ang kapalit ng isang kilong plastik ay isang kilong bigas.

Ayon kay IC Calaguas, Chief Adviser ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., ang mga kinolektang plastik ay gagawin itong ladrilyo na magagamit rin ng naturang lungsod.

Ang proyektong ito ay naglalayong hikayatin ang mga mamamayan sa tamang paghihiwalay ng kanilang mga basura at bawasan ang paggamit ng plastik.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles