Sa darating na ika-30 ng Abril hanggang ika-3 ng Mayo ay gaganapin ang Bonsai Clubs International Convention sa Vigan City, Ilocos Sur.
Ayon kay Frank Mihalic, Presidente ng Bonsai Clubs International (BCI), naaprubahan na ang mga travel visa, nakabili na ng mga ticket sa eroplano at ang pagdalo sa convention ay kinumpirma na ng mga delegado ng BCI.
Ang mga dadalo ay manggagaling sa mga bansang Czech Republic, Mexico, Canada, USA, Australia, Puerto Rico, Korea, India, China at Indonesia, Taiwan, Malaysia, Vietnam, Japan at Singapore.
Ayon naman sa Provincial Tourism Office ng Ilocos Sur ay inaasahan ang pagdagsa ng mga Local Bonsai Enthusiasts para sa nabanggit na Convention.
Ang nasabing International Convention ay pangungunahan ng Bonsai and Suiseki Alliance of the Philippines, Inc.
Source: Provincial Tourism Office
Panulat ni Malayang Kaisipan