23.9 C
Baguio City
Tuesday, November 5, 2024
spot_img

Ilang Empleyado ng PPDO at PSWDO, sumailalim sa Orientation Workshop kaugnay sa Magna Carta of the Poor

Sumailalim sa isang orientation workshop ang ilang empleyado ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Planning and Development Office (PPDO) kaugnay sa Magna Carta of the Poor na naganap sa GO Hotel, Tuguegarao City noong Abril 11-12, 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) at dinaluhan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Batanes, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino na may serye na alinsunod sa mithiin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabawasan ang porsyente ng mga mahihirap mula sa 13.2% noong taong 2021, ay nais nitong bumaba sa 9% sa taong 2028.

Layon naman ng NAPC na iprisinta at talakayin ang salient features ng RA 11291 o ang Magna Carta of the Poor (MCP) at ang IRR nito upang matukoy ang mga Anti-Poverty Programs, Projects at Activities (PPA) na naaayon sa katuparan ng limang (5) fundamental rights ng mga mahihirap na mamamayan.

Kaugnay nito, inihayag naman ng unang ginang na si Atty. Mabel Villarica-Mamba, bilang kinatawan ni Governor Manuel Mamba sa aktibidad, na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan (PGC) sa liderato at pamumuno ni Governor Mamba ay maraming programa at proyekto na ginawa na at patuloy na ginagawa upang maibsan ang kahirapan sa lalawigan kabilang dito ang “No Barangay/Town Left Behind” (NBLB/NTLB) program, Agkaykaysa Scholarship Program at MAGSAKABATAAN.

Samantala, umaasa naman ang pamunuan ng NAPC na matapos ang orientation workshop ay maibibigay sa kanila ng Agency Regional Offices (ARO) at ng Provincial Local Government Unit (PLGU) ang kumpletong listahan ng Anti-Poverty PPAs kabilang ang natukoy na gap at rekomendasyon, mga feedback at evaluation ng mga dumalo, at panghuli ang activity reports at dokumentasyon.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles