Patuloy ang pag-arangkada ng programang “Anghel Care” ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa Barangay Mapalacsiao, Tarlac City nito lamang Martes, ika-11 ng Abril 2023.
Ang programang ito ay inilunsad ni Hon. Cristy Angeles, City Mayor na naglalayong maihatid ang iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan para sa mga mamamayan.
Nagkaroon ng Late Birth Certificate Registration, pamimigay ng reading glasses, Newborn Kits, Angel Care Pharmacy, Dental Services, Medical Check-up, COVID-19 Vaccine, Antigen Test, Blood Typing, Local Job Recruitment at tulong sa usaping legal.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pagbibigay ng tapat na serbisyo sa mga mamamayan.