18.5 C
Baguio City
Monday, September 23, 2024
spot_img

12 Housing Unit ng Core Shelter Assistance Program (CSAP) iginawad sa Sitio Sto. Rosario

Mababago ang buhay ng labindalawang pamilya sa natanggap na bagong bahay na handog ni Mayor Arth Bryan C. Celeste at nang pamahalaang lungsod ng Alaminos katuwang ang Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni City Vice Mayor Jan Marionne R. Fontelera sa pamamagitan ni Executive Assistant II Aura Jyny Villena.

Ang karagdagang labindalawang housing units ay unang binasbasan ni Rev. Windel David G. De Vera at kaagad din na iginawad ng Punong Lungsod sa pamamagitan ni City Administrator Atty. Walter M. Macaiba ngayong umaga sa mga mapalad na benepisyaryo sa ilalim ng Core Shelter Assistance Program (CSAP) sa Sitio Sto. Rosario, Barangay Lucap, Alaminos, Pangasinan.

Isa ang CSAP sa mga makabuluhan at natatanging proyekto ni Mayor Art at ng pamahalaang lungsod upang mabigyan ng matiwasay na pamumuhay ang kanyang nasasakupan at upang ituloy ang progreso sa siyudad ng Alaminos katuwang ang City Social Welfare and Development Office.

Panulat ni Manlalakbay

Source: LGU Alaminos

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles